AI, CYBERSECURITY AT SMART TECHNOLOGY, TAMPOK SA PAGSASANAY NG LGU MANGALDAN

Pinalalakas ng Pamahalaang Bayan ng Mangaldan ang kahandaan nito sa paggamit ng makabagong teknolohiya matapos makilahok sa League of Municipalities of the Philippines (LMP)–Pangasinan Chapter General Meeting at Pangasinan Mayor’s Development and Innovation Summit.

Naging tampok sa pagpupulong ang mga inobasyong maaaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan upang mapahusay ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko, kabilang ang cybersecurity, smart municipality platforms, at AI-enabled drainage at flood control systems para sa mas epektibong paghahanda at pagtugon sa mga sakuna.

Tinalakay rin ang pagpapalakas ng kapasidad ng mga lokal na opisyal sa paggamit ng teknolohiya, gayundin ang reorientation ng mga Local Chief Executives bilang deputized representatives ng National Police Commission (NAPOLCOM) at ang mahalagang papel ng People’s Law Enforcement Board (PLEB).

Bukod sa digital transformation, ipinakilala rin sa summit ang mga makabagong solusyon sa waste-to-energy, sustainable solid waste management, at mga programang nakatuon sa workforce upskilling, professional development, at lifelong learning bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng pamamahala sa mga lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments