Kinukwestyon ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang tila lumobong listahan ng mga benepisaryo sa Hacienda Tinang sa Concepcion Tarlac.
Ayon kay UMA acting Chairperson Ariel Casilao, ang pagdami ng benepisasryo kumpara sa orihinal na listahan ay maituturing na pabor kay Concepcion Mayor Noel Villanueva na nagtatag ng huwad na kooperatiba.
Ang agawan sa dalawang grupo ng mga farmer claimants ay naitago ang intensyong makapang agaw pa ng lupa mula sa mga lehitimong ARBs.
Nakaantabay ang UMA sa pinal na installation ng mga magsasaka sa kanilang lupa.
Mayroong 200-hectare na lupa ang dapat ay maipamahagi sa nasa 450 na beneficiaries.
Facebook Comments