DOJ Sec. Remulla, bumuwelta sa pagtawag sa kanya na “buang” ni suspended Rep. Arnolfo Teves Jr.

Iginiit ni Department of Justice (DOJ) Sec. Crispin Remulla na wala na sa tamang pag-iisip si suspended Cong. Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Remulla, ang mga maaanghang na salita na binitawan ni Teves sa kanyang bagong video ay patunay lamang kung paano nito bastusin ang gobyerno.

Sinabi pa ni Remulla na kaya lamang dinedepensahan si Teves ng ilang abogado ay dahil sa pera nito.


Aniya, ang naturang mga abogado rin ang nagdikta sa mga bumaliktad na suspek sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo para gumawa ng ibang kwento.

Tiniyak din ni Remulla na nakikipag-ugnayan na sila sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para imbestigahan ang bagay na ito.

Idinagdag ng kalihim na kung totoong tinorture sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility ang mga suspek, bakit aniya tumatanggi ang mga ito na mailipat sa ibang kulungan.

Facebook Comments