Lumubog na barko sa Corregidor, nagsimula nang tumagas ang langis

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsimula na ang oil spill sa lumubog sa MV Hong Hai 189 sa Sisiman Lighthouse, Mariveles, Bataan.

Ayon sa PCG, 30 to 50 liters na ng fuel at ng mixed substances ang tumagas sa nasabing barko.

Kaugnay nito, naglagay na ang PCG ng oil spill booms at absorbent bags bagama’t hindi na nadagdagan ang pagtagas ng langis mula sa barko.


Ang MV Hong Hai 189 ay una nang nakabanggaan sa Corregidor Island ng Marshall Island-flagged ship MT Petite Soeur.

Facebook Comments