LUNA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL, IKINASA ANG SIMULATION NG FACE-TO-FACE CLASSES

Cauayan City, Isabela- Isinagawa ngayong araw ang simulation ng face-to-face classes para sa mga mag-aaral ng Luna General Comprehensive High School sa bayan ng Luna, Isabela.

Nasa tatlong daan at sampung mga mag-aaral mula sa 450 na kabuuang bilang ng mga estudyante ang pumasok at sila ay nahati sa dalawang grupo na kung saan ang unang batch ay pumasok kaninang alas syete y media hanggang alas nuebe y media kaninang umaga habang ang pangalawang grupo ay pumasok naman kaninang alas nuebe y media hanggang alas onse y media ngayong araw.

Bago pumasok ang mga mag-aaral sa loob ng kanilang classroom ay dadaan muna ang mga ito sa Thermal Scanner, at mag-i-scan ng QR Code at kailangan nilang magpakita ng health declaration.

Ang mga fully vaccinated na may commorbidities naman ay pinayuhang hindi na pumasok at mag-module o online class nalang sa kanilang bahay.

Bukod dito, nagsimula naman noong nakaraang buwan ang Early Pre-registration para sa mga mag-aaral sa grade 7 at Grade 11.

Masaya naman ang mga mag-aaral dahil nakabalik na sila ng personal sa kanilang paaralan, maging ang mga guro dahil hindi na rin sila mahihirapan sa kanilang pagtuturo.

Magsisimula ang face to face classes ng naturang paaralan sa April 11, taong kasalukuyan.

Samantala, nagpapasalamat naman si Ginoong Alipio, sa lahat ng kanilang mga stakeholders sa suporta sa kanilang mga programa.

Facebook Comments