MGA BARANGAY SA CITY OF ILAGAN NA DRUG-CLEARED, UMABOT SA 48

Apat napu’t walong barangay sa City of Ilagan ang drug-cleared habang apatnapu’t isa naman ang drug-free batay sa datos ng PNP.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLT. Rhegie Bulan, dalawang barangay na lamang sa lungsod ang sumasailalim sa drug clearing operations kung saan tulong-tulong ang kapulisan ng Ilagan at mga barangay officials upang tuluyang masawata ang iligal na droga.

Nagpapatuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa barangay officials ng lungsod para sa mga programang nakatutulong sa lubusang pagsupil sa illegal na droga sa lungsod.

Isa sa mga ginagawang proyekto ng kapulisan katuwang ang Pamahalaang Panlungsod ng Ilagan ang pagpapasigla sa mga opisyal at miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo maging ang SK Federation sa lungsod na layuning mailayo ang mga kabataan sa mga illegal na gawain.

Facebook Comments