Lungsod ng Cauayan, Aktibo sa Pakikiisa sa Nutrition Month!

*Cauayan City, Isabela-* Aktibo ngayon ang Lungsod ng Cauayan sa Pakiki-isa sa selebrasyon ng Nutrtion Month sa buong kapuluuan na may temang “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon, Aanihin”.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ms. Mary Jane Yadao, ang pinuno ng City Nutrition Office ng Lungsod ng Cauayan, malaki umano ang suporta na ibinibigay ng Pamahalaang Panlungsod para sa naturang selebrasyon.

Aniya, mayroon umano silang isinasagawang mga aktibidades sa mga paaralan at barangay dito sa Lungsod ng Cauayan gaya ng Best Communal Vegetable Gardening na dapat mayroong tanim na dalawampu na ibat-ibang klase ng gulay na kanilang paparangalan nitong darating na Disyembre.


Samantala, mayroon din umanong isinasagawang feeding program ang City Nutrition Office para sa mga batang malnourish kung saan target umano nila ang nasa isang daan at dalawampung batang underweight para sa Supplemental ng Foodbank upang mapababa na ang rate ng Malnutrition dito sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments