Lungsod ng Quezon, nakapagtala ng muling pagtaas ng active cases ng COVID-19

Nadagdagan pa ng 122 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon mula December 1 hanggang kahapon, December 8.

Base sa datos na inilabas ng Quezon City Epidemiology and Disease Surviellance Unit (CEDSU), mula sa 594 noong December 1, nasa 716 na ang active cases ngayon.

Nadagdagan din ng 20 ang mga pumanaw na may kabuuan ng 737 mula sa 717 hanggang kahapon.


Nasa 25,836 na ang total number ng validated cases na may pagtaas din kumpara sa 25,088 noong December 1.

Lumobo rin ang bilang ng suspected cases sa 20,513 na na-trace mula sa 18,584 ng kaparehong panahon.

Pero sabi ng Local Government Unit (LGU), umabot na sa 94% ang mga nakarekober sa COVID-19 o 24,383 na may pagtaas ng 606 mula noong unang araw ngayong buwan.

Facebook Comments