Dahil saillegal na sabong, 2 arestado

Nabas, Aklan — Arestado ang dalawang lalaki kahapon ng hapon sa Brgy. Toledo, Nabas, Aklan dahil sa illegal na sabong.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jun Francisco, 41-anyos ng nasabing lugar, at Jethro Samuel Calonia, 22-anyos ng Nagustan, Nabas.
Base sa report ng Nabas PNP na nakatanggap sila ng impormasyon na may nagaganap na illegal na sabong sa lugar at agad na nagsagawa ang mga ito ng operasyon at naaresto ang mga ito habang nakatakas naman ang iba.
Narekober sa kanila ang perang nagkakahalag ng P529.00 at dalawang panabong na manok.
Mahaharap naman ang dalawa sa paglabag sa P.D. 449 o Cockfighting Law of 1974.

Facebook Comments