Muling isasailalim sa yellow alert ang Luzon Grid mamayang hapon.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), bunsod ito ng pagnipis ng suplay ng kuryente dahil sa forced outage ng apat na power plants.
Bukod dito, tatlong planta pa ng kuryente ang nag-o-operate nang mas mababa sa kapasidad nito.
Nasa 11,522 megawatts ang kapasidad ng Luzon Grid pero nasa 10,612 megawatts na ang peak demand.
Samantala, iiral ang yellow alert mula ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon at alas singko hanggang alas sais ng gabi.
Facebook Comments