Lyceum coach Robinson at College of St. Benilde guard Domingo suspendido

10

Sports – Dahil sa kanilang un-sportsmanlike conduct, pinatawan ng tig-isang larong suspensiyon sina Lyceum Pirates head coach Topex Robinson at College of St. Benilde guard J-J Domingo ng NCAA.
Pinarusahan si Robinson matapos matawagan ng dalawang technical foul at maeject sa second quarter ng laro ni Pirates kontra Emilio Aguinaldo Generals noong Huwebes.
Suspendido rin ng isang game si Domingo matapos tawagan ng flagrant foul kontra naman kay Allyn Bulanagui ng San Sebastian Stags sa kanilang laro kahapon sa pagpapatuloy ng 93rd Men’s Basketball tournament ng NCAA.

Facebook Comments