Mag ama huli sa pagbaril patay sa binata

Arestado ang mag ama matapos silang itinuro na siyang suspect sa pamamaril patay sa isang 20 anyos na binata noong biyernes ng gabi sa mother barangay bagua cot.city. Ayon kay PP4 commander PSI Tirso Pascual, positibong kinilala ng lone witness ang mga suspect na sila ang bumaril sa kanila ngunit maswerteng hindi tinamaan ang target at ang kasamang si Rafael Abdulla ang napuruhan na tinamaan sa bunganga. Sinabi pa ni Pascual na agad silang nagfollow-up sa insedente at matagumpay na nahuli ang mag -amang suspect…Inihayag pa ni Pascual na Rido umano ang dahilan kung bakit nagawang barilin ng mga suspect ang biktima…Nakapiit na ang mag-ama habang inihanda na ang kaso laban sa kanila. Samantala blanco parin ang PP4 sa kung sino ang bumaril patay sa isang gunang na nagbabantay lamang ng kanyang tindahan sa barangay bagua dos noong gabi din ng biyernes… Patay ang biktima si Shembo Guilay Kamid makaraang tamaan ng bala sa ulo..Mataps ang krimen ay mabilis namang tumakas ang hindi nakikilalang gunman…Patuloy parin sa follow-up inbestigation si PSI Tirso Pascual.

Facebook Comments