Numancia, Aklan – Inihahanda na ngayon ng Numancia PNP ang kaso laban sa dalawang suspek na bumiktima sa mag-asawang negosyante ng bigas kagabi sa boundary ng Brgy. Bulwang at Pusiw, Numancia, Aklan. Sa panayam ng RMN DYKR Kalibo kay PLT. Rene Armenio, hepe ng Numancia PNP na nakatanggap sila ng tawag mula sa mga biktima na humihingi ng police assistance dahil nga sa insidente. Agad na nagresponde ang mga miyembro ng Numancia PNP sa area at nag sagawa ng imbestigasyon. Sa salaysay ng mag-asawang Michael Reyes, 39-anyos at Vebsy Reyes, 29-anyos, residente ng Brgy. Pusiw sa nasabing bayan kasama si Janjie Tanieza ng Brgy. Bulwang na sakay sila ng tricycle galing sa Kalibo Public Market at papauwi na sana pero nong pagdating sa lugar ng insidente at pakanan na sana sila ay napansin nila ang isang motorsiklo na nakatumba sa gitna ng kalsada. Huminto ang mga ito at pinalapitan ang motorsiklo sa pag-aakalang may naaksidente pero doon na sila nilapitan ng dalawang lalaki na nag deklara ng hold-up. Isa dito ang humila kay Michael para kunin ang belt bag na doon nakalagay ang pera na nagkakahalaga ng mahigit P 70,000 at alahas nila na nagkakahalaga ng mahigit P 150, 000 habang ang isa ang tumutok ng itak kay Vebsy. Pero nong huli ay nabosesan ni Vebsy ang tumutok sa kanya ng patalim at ito ay ka boses ng kanilang helper, pati ang katawan at motorsiklong gamit nito kaya nakapagsabi ito na “Bong tama na, wag mo lang kaming saktan”. Doon na sumakay ang mga suspek sa dala nilang motorsiklo at lumayo sa lugar kung saan agad na nagsagawa ng hot pursuit ang Numancia PNP pero hindi agad nahuli. Dahil sa kilala naman ng mag-asawa ang kanilang helper at kung saan naka tira ay agad na nagtimbre ang Numancia PNP sa New Washington PNP at agad rin itong nag sagawa ng hot pursuit laban sa mga suspek. Pagdating ng Numancia PNP sa Brgy. Jalas ay nahuli na ng New Washington PNP ang mga suspek na kinilalang sina Jonito Villafuerte Jr., alyas “Bong”, 23-anyos, residente ng Sitio Centro, Jalas, New Washington, helper ng mga biktima at si Mark Bel Donieto, 20-anyos at taga Brgy. Andagao, Kalibo. Bago pa man mahuli ang mga ito ay may habulan pang nangyari sa mga suspek at kapulisan. Positibo ring itinuro ng biktimang babae ang isa sa mga suspek na si Jonito. Sa isinagawang inventory may na recover ang mga kapulisan na isang backpack, na doon naka lagay ang perang nagkakahalaga ng P 67, 680.00, 2 cellphone, itak na may habang 19 pulgada, wallet ni Junito at isang itim na SkyGo motorcycle na ginamit nilang gate away vehicle ngunit nawawala ang mga alahas. Nang makita ito ng babaeng biktima ay nagsabi ito sa mga pulis na hindi ito ang lagayan ng pera at alahas. Kaya muli na namang nagsagawa ng follow up ang mga kapulisan at nalaman nila na pagkatapos ng insidente ay dumaan ang mga suspek sa Lezo-Tigayon diversion road, dumaan sa may likod ng runway ng airport at sa may bandang dulo doon sila huminto inilipat nila ang pera sa backpack at ang bag ng mga biktima ay kanilang itinapon kung saan doon rin nakalagay ang relo, bracelet, kwentas at limang sing-sing na kinalas ni Michael sa kanyang katawan at nilagay sa bag bago sila umuwi. Na recover naman ng mga kapulisan ang mga alahas. Sa ngayon ay naka kulong ang mga suspek sa Numancia PNP at nakatakdang sampahan ng kasong Robbery Hold-up.
Mag-asawang negosyante ng bigas nabiktima ng robbery hold-up, isa sa mga suspek kanilang helper
Facebook Comments