MAG-INGAT| Holdapang nangyari sa Dagupan pinag-uusapan sa facebook!

Dagupan City – Viral ngayon sa internet ang nangyaring pag-hold up sa Bonuan, lungsod ng Dagupan ng dalawang kalalakihan sa isang babae na may facebook name na Angelica Ani Wu-Jeon at residente ng Bonuan Gueset Dagupan City.

Ayon sa post ng biktima na meron ng almost 600 likes at kulang kulang 900 shares, pauwi na umano ito at sasakay ng trike, ng bigla na lamang silang hinarang ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa madilim na bahagi. Lumapit diumano ang angkas nito at tinutukan ng baril ang biktima. Ang driver naman ng trike ay hinampas ng baril ng magtangka itong tumakas.

Nagawa pa umanong magmakaawa ang biktima ngunit nakuha parin ang bag, wallet na naglalaman ng tatlong libong piso at ATM card maging ang cellphone nito.


Agad umanong nagreport ang biktima sa barangay at napag alamang mayroon na palang naunang report tungkol sa pag hohold-up. Panawagan ng biktima sa publiko na mag-doble ingat at para sa kinauukulan na agawrang gumawa ng paraang mahuli ito upang di na makapag-biktima.

Sa kabilang balita usap-usapan din ang nangyari sa Barangay Bonuan Boquig ang pagholdap naman na isang lalaking nakamotor diumano ang nabiktima ng parehong modus noong miyerkules ng gabi sa nasabing barangay. Ngunit ayon sa barangay, wala pa umanong lumalapit sa kanilang tanggapan upang magreport kaya naman ay hindi pa umano makukumpirma ng barangay ang balitang ito.

Ulan ni Kareen Grace Perdonio

Facebook Comments