Mag live- in partner arestado dahil sa Shabu sa Parang Maguindanao

Kulungan ang bagsak ng mag live- in partner matapos maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa bayan ng Parang Maguindanao .
Pinanguhan ng mga elemento ng PDEA ARMM katuwang ang mga elemento ng Parang MPS ang drug buy bust operation na nagresulta sa pagkakaresto nina Ricahrad Besana, 39 anyos at live in partner nitong si Johara Dizo, 23 anyos.
Naging matagumpay ang operasyon dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga residenteng nagsumbong sa ginagawang pagbebenta ng droga ng dalawa.
Maliban sa ipinagbabawal na gamut nakumpiskahan din ng granada at kalibre kurentay singkong pistola si Besana.
Kasalukuyang nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga nahuling suspek.(DENNIS ARCON)
Photo: Contributed Photo

Facebook Comments