Magat Dam, Magdadagdag ng Spillway Gate na bubuksan dahil sa Inflow ng Tubig

Cauayan City, Isabela- Patuloy ngayon ang pagpapalabas ng tubig ng NIA-MARIIS mula sa Magat reservoir upang paghandaan ang posibleng epekto ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Engr. Wilfredo Gloria, Department Manager ng NIA MARIIS, nananatili sa isang spillway gate ang kanilang binuksan dahil hindi pa naman umaabot sa critical level ang elevation ng tubig mula dam.

Batay sa taya ng ahensya, kasalukuyang nasa 188.10 meters above sea level ang imbak na tubig sa dam habang ang inflow ay nasa 425 cubic meter per second at outflow na 508 cubic meter per second.


Nasa dalawang metro ang lawak ng water elevation upang matiyak na maayos ang pakawala sa tubig.

Tiniyak naman ni Gloria na nasa maayos ang pagpapakawala sa tubig para masigurong hindi apektado ang mga nasa mabababang lugar.

Samantala, nilinaw naman ng opisyal sa publiko na hindi kasama ang ilang overflow bridges gaya ng Alicaocao overflow Bridge at Sipat overflow bridge sa mga apektado ng water level release mula sa dam dahil hindi nagkakaroon ng dagdag na lebel ng tubig mula sa mga tulay.

Asahan naman ngayong alas-5:00 ng hapon ang dagdag na spillway gate na bubuksan ng NIA dahil sa tumataas na water inflow sa dam.

Facebook Comments