MANILA – Sumentro sa magiging papel sa administrasyong Duterte ang naging pagpupulong kahapon ng mga miyembro ng Liberal PartyIto ay kasunod na rin ng pag-alis sa gabinete ni Vice President Leni Robredo.Ayon kay LP President at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, kailangan nilang palakasin ang posisyon ng partido at ni Robredo sa ilang polisiyang itinutulak ng Duterte administration.Kabilang aniya rito ang Extra Judicial Killings, death penalty at Marcos Burial.Aminado si Pangilinan na may posibilidad na maging oposisyon ang partido liberal at si Vice President Robredo.Pero, paglilinaw ng senador, magiging kritiko lamang sila sa mga ipatutupad na maling polisiya ng Administrasyong Duterte.
Facebook Comments