Kalibo, Aklan— Tagumpay na narescue ng Maayon PNP Station, MSWD at RMN DYKR Kalibo at DYVR (RMN Roxas) ang magkapatid na minamaltrato umano ng kanilang ama.
Edad 2 taon at 8 taong gulang ang mga biktima na kasalukuyang nasa pangangalaga ng kanilang ama sa Brgy. Manayupit, Maayon, Capiz.
Umiiyak na humingi ng tulong sa himpilan ng RMN DYKR Kalibo ang 40 anyos na ina ng mga biktima na taga Banga Aklan matapos malamang sinasaktan at hindi pinapakain ng maayos ng suspek ang kanilang anak.
Hiniwalayan ng ina ang suspek dahil hindi na nito makayanan ang pananakit at pananakot sa mga anak gamit ang itak sa tuwing ito’y nalalasing.
Agad na nagtungo sa lugar ang RMN DYKR at RMN DYVR News Team kasama ang mg miyembro ng Maayon Police Station at DSWD kung saan nagharap ang ginang at asawa nito sa barangay hall.
Nanindigan ang babae na gusto na niyang iuwi ang kanilang mga anak sa kanilang barangay sa Banga.
Sinabi ni PSMSGT. Michelle Sioco, chief ng WCPD sa Maayon Police station na ang layunin ng kanilang pagkasa ng operasyon ay masiguro ang kaligtasan ng mga biktima.
Nanindigan ang dalawang bata na gusto na nilang sumama sa kanilang ina dahil sa ginagawa ng kanilang ama.
Ayon sa 8 taong gulang na bata, kadalasan umanong pritong itlog ang pinapakain sa kanila at pinapabayaan na sila ng kanilang ama.
May mga pagkakataon rin umanong pinapalo siya nito habang sinisigawan naman ang kanyang 2 taong gulang na kapatid.
Sa panayam ng RMN sa ina ng mga bata, nagsumbong umano ang mga ito na maliban sa itlog, tubig na may asin lamang ang kanilang ulam at minsan naman ay mantika.
Lubos ang pasasalamat ng ginang sa RMN News team, Maayon PNP, MSWD at barangay officials dahil nakapiling na nito ang kanyang mga anak.
Magkapatid na minamaltrato ng ama, natulungang masagip ng RMN at mga otoridad
Facebook Comments