Magkapatid na nakunan ng mahigit kalahating milyong halaga ng shabu, sinampahan na ng kaso

Sinampahan na ng kaso kahapon ang dalawang magkapatid na nakunan ng mahigit kalahating milyong halaga ng shabu nang ipinatupad ng kapulisan sa Cagayan de Oro ang search warrant sa Caresna Carinugan, Barangay Balulang noong Miyerkules.
Ayon kay SPO3 Jigger Rojo, imbestigador ng City Drug Enforcement Unit o CDEU na nakuha ang naturang mga shabu sa magkapatid na sina Sadam Sumagayan, 27 anyos, at Saidemin Sumagayan, 20 anyos, may asawa.
Ayon kay Rojo na ang operasyon ay pinangunahan ng CDEU Chief na si Police Chief Insp. Guilbert Rollen at tumulong rin sa kanila ang City Intelligence Unit sa kanilang One Time Big Time Operation.
-o0o-
By: Kasamang Annaliza A. Reyes
PC: PCI Ariel Philip Pontillas, Chief CIU

Facebook Comments