Magkapatid sa Muntinlupa, inaresto ng mga pulis

76

Hinuli ng mga tauhan ng Muntinlupa Philippine National Police (PNP) ang magkapatid sa New Bilibid Prison (NBP) Reservation, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Ang mga ito ay sina Arnel Montemor, 44-anyos at Allen Montemor, 31-anyos.


Sa ulat ng Muntinlupa PNP, unang naaresto si Arnel Montemor matapos makuhaan ng improvised na baril at itututok sa isang pulis.

Pero nang arestuhin na siya, pinipigilan ng kapatid nitong si Allen Montemor ang pag-aresto sa kanyang kuya kaya inaresto rin sya ng mga pulis.

Sa ngayon, nahaharap na kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si Arnel habang Obstruction of Justice sa suspek na si Allen.

Facebook Comments