Magsasaka – patay matapos pagtatagain sa bayan ng Benito Soliven, Isabela

9

Benito Soliven, Isabela – Patay ang isang magsasaka makaraang pagtatagain kahapon ng umaga sa barangay Placer bayan ng Benito Soliven, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Margarito Casuya, korentay tres anyos, residente ng purok uno Placer, Benito Soliven, Isabela, samantalang ang suspek ay si Floyd Calucag residente din ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, nagpapastol ang biktima ng kaniyang alagang kalabaw ng biglang dumating ang suspek nang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito may kaugnayan sa boundary ng lupa na kanilang tinatamnan.

Agad na kinuha ng suspek ang kaniyang panabas at inaga ang biktima.

Nagtamo ng sugat sa ulo at hita ang biktima na naging dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.
Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek at sinampahan na ng kaukulang kaso.
DZXL558

Facebook Comments