Magsilbi nang nararapat sa Bangsamoro!- DILG ARMM Sec. Abdullah

Kumpyansa si Autonomous Region in Muslim Mindanao Interior and Local Government Secretary Atty. Noor Hafizullah “Kirby” M. Abdullah sa liderato ng bagong talagang DILG Secretary ni Presidente Rody Duterte, former AFP Chief Eduardo Año.
Malaki aniya ang magagawa ni Secretary Año para isulong ang mga adbokasiya ng presidente para sa ikakaganda ng bawat LGU sa bansa, giit ni Atty. Kirby.
Kaugnay nito suportado rin ng DILG ARMM ang kampanya ng Dutertes Administration na masugpo ang mga nakasanayang katiwalaan ng iilang Local Officials, kung meron parin sa ARMM dagdag ng kalihim.
Ipinagmalaki naman ni Secretary Abdullah ang Repormang natatamasa sa bawat LGU sa ARMM bunsod na rin sa direktiba ni ARMM Governor Mujiv Hataman. Mataandaang 21 LGU sa ARMM ang kinilala at binigyan ng Seal of Good Local Governance ng DILG noong 2017.
Patuloy namang hinihikayat ni Sec. Abdullah ang lahat ng mga opisyales ng LGUs sa rehiyon na magsilbi nang naaayon sa sinumpang tungkulin at nararapat para sa mga bangsamoro.

Facebook Comments