MAGSUMBONG | PNP, nanawagan sa publiko na isumbong sa kanila ang mga pulis na pasaway

Manila, Philippines – Hinimok ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na agad isumbong sa kanila ang mga pasaway na pulis.

Ito’y kasunod ng pag-iinspeksyon ni NCRPO Director Oscar Albayalde sa ilang police station kung saan nadatnang natutulog o nag-iinuman ang mga pulis kahit oras ng duty.

Ayon kay PNP Spokesperson, C/Supt. John Bulalacao, nagtalaga na sila ng ‘red team’ na magbabantay sa operasyon ng pnp sa mas mababang lebel.


Maaring isumbong ang mga reklamo sa PNP: *2286 “text bato”* hotline service.

Facebook Comments