Mahigit ₱2-M halaga ng ketamine, nasabat ng PDEA sa Pasig City

Arestado ang isang indibidwal matapos tanggapin ang nasa ₱2 milyong halaga ng ketamine sa isinagawang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Manggahan sa Pasig City.

Kinilala ang lalaking claimant na si Danilo de Guzman na may alias John Vincent Cruz, 23 anyos at residente ng Maynila.

Ayon sa PDEA, nagmula ang 424 gramo ng Ketamine sa Poland at dumating sa Port of Clark noong May 14, 2023.


Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang claimant ng naturang parcel.

Facebook Comments