DOE, nagpasalamat sa tulong ng mga private sector para sa pag-o-operate ng mga power plant sa bansa

Pinapurihan ng Department of Energy (DOE) ang Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation sa maayos na pagbenenta at pagsasapribado ng Casecnan Hydropower Plant sa Muñoz, Nueva Ejica.

Ito’y dahil sa pag-a-award sa kompanyang Fresh River Lakes Corporation ang naturang hydro plant na nagkakahalaga ng $526 million dollars upang maisapribado na ang naturang operasyon na nasa 165 megawatts hydropower plant.

Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, isa itong patunay na patuloy na tinutuguban ng kagawaran ng enerhiya ang pagkakaroon ng mas supisyenteng supply ng enerhiya sa bansa katuwang ng private sector para sa pag ooperate ng mga power plant sa bansa.


Samantala, ang Casecnan Hydropower Plant ay isang river type hydro power plant na 60 percent na pagmamay-ari ng National Irrigation Administration (NIA) habang 40% naman ang pagmamay-ari ng PSALM.

Facebook Comments