Mahigit 1,000 pamilya, inilikas sa QC dahil sa pagbaha

Higit 1,000 pamilya o katumbas ng halos 4,000 libong indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Kagabi ay umabot sa 1,437 na pamilya o kabuuang 5,437 mga indibidwal ang nagpalipas ng magdamag sa limang evacuation center sa barangay.

Tumalima ang mga ito sa panawagan na lumikas dahil sa pangamba na maaring tumaas ang lebel ng tubig sa Tumana River na kadugtong ng Marikina River.


Bagamat umuulan pa ay subsided o humupa na rin ang mga pagbaha na dulot ng Bagyong Enteng at Habagat.

Ngayong umaga ay marami nang mga residente ang isa-isa na ring nag-uwian sa kani-kanilang mga bahay.

Ito rin ang sitwasyon sa 24 na iba pang mga evacuation center sa 21 pang mga barangay sa QC.

Facebook Comments