Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na na-proseso na nila at cleared na ang 16,287 na Filipinos at foreign seafarers na sakay ng cruise ships na dumaong sa Manila Bay mula nang magkaroon ng outbreak ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa na-clear ng Immigration boarding inspectors ang 11,189 Filipinos at 5,098 foreigners.
Ang naturang Pinoy at foreign seafarers ay sakay ng 42 vessels kung saan sila na-quarantine sa Manila Bay sa pagitan ng April 16 hanggang June 15, 2020.
Sila ay sumailalim din sa COVID-19 test matapos nilang makumpleto ang mandatory quarantine.
Agad namang prinoseso ng Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) ang pag-uwi sa mga lalawigan ng Pinoy seafarers habang ang mga dayuhang crew ay nakabalik na sa kani-kanilang mga bansa.