Kumita ng mahigit 2.3 million pesos ang lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro dahil sa ipinatupad na online payment and billing system.
Ito’y mula sa nakolektang business tax, real property tax, building fees, traffic violation at iba pa mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Umabot na rin sa mahigit apat na libong mga negosyante ang nagpa-print ng bayarin sa kanilang mga ari-arian at business permit gamit ang online billing system.
Dahil naman sa online and billing system ay naimbitahan si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno sa National Competitiveness Council Summit para ibahagi sa ibang Local Government Unit ang naturang e-payment services.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes
Facebook Comments