Mahigit 200 libong halaga ng marijuana nakuha sa dalawang drug suspek sa Pasay City

78

 

Arestado ang dalawang drug suspek matapos makuha sa mga ito ang 240,000 na halaga ng marijuana sa Brgy 13 Pasay City.

 

Kinilala ang dalagang naarestong suspek na sina John Rudolf Javier 29 anyos residente ng Bacoor Cavite at Mark Anthony Gracila 26 anyos residente ng Dasmarinas Cavite.


 

Sa ulat ng Pasay PNP, Ikinasa ng mga tauhan ng QCPD at PNP intelligence division ang buy bust operation sa harap ng DFA building sa Roxas Boulevard Brgy 13 Pasay City.

 

Kung saan naaresto ang dalawa at nakuha sa kanila ang mga marijuana na nagkakahalanng 240,000 at iba pang mahahalagang ebidensya.

 

 

Nakakulong na ang dalawang suspek sa  District Drug Enforcement Custodial Facility sa Queen City at nahaharap na sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments