Mahigit 200 mga lugar sa ilang rehiyon sa bansa, lubog pa rin sa baha

Nananatiling lubog sa baha ang 249 na mga lugar sa Region 3, MIMAROPA, Regions 5, 6, 7, 8, 9, at BARMM.

Base ito sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon pa sa NDRRMC ang ilang mga bayan, munisipalidad at barangay ay unti-unti nang nagsa-subside ang baha sa ngayon.


Samantala, maliban sa pagbaha nakapagtala rin ng landslide, rockslide, soil erosion at flash flood dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Mayroon ding naitalang pananalasa ng buhawi sa Region 6.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang humanitarian and disaster relief operations sa mga nabanggit na rehiyon at puspusan din ang road clearing operations ng mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments