
Patuloy pa rin ang mga aktibidad ng Bulkang Mayon sa Legazpi, Albay.
Sa monitoring ng PHIVOLCS, nakapagtala ang ahensya ng 338 rockfall events at 72 Pyroclastic Density Currents.
Sa nakalipas rin na 24 oras, nakitaan pa rin ang bulkan ng pagbuga ng lava dome at lava flow.
Lumakas din ang degassing activity nito mula sa summit na nagbuga ng average na 4,970 tonelada kada araw na Sulfur Dioxide Flux, ang pinakamataas na emisyon na naitala sa nakalipas na 15 taon.
Kung ikukumpara, ang running average na Sulfur Dioxide Flux simula noong Enero 1, 2026 ay umaabot lamang sa 1,205 tonelada kada araw.
Matatandaang naobserbahan ng ahensya ang pagtaas ng Real-Time Seismic Energy sa Mayon simula noong Huwebes, sa kabila ng walang naitalang volcanic activity.










