
Tinamaan ng dengue ang kabuuang 3,154 residente ng Quezon City, batay sa datos ng City Epidemiology and Disease Surveillance Division simula January 1, 2026 hanggang July 16, 2026.
1,426 o 54% ng kaso ng dengue ay nasa edad sampung taon pababa, na nangangahulugan na mga bata ang pinakaapektado at posibleng mas exposed sa lamok sa bahay o sa komunidad.
Aabot na rin sa 15 residente ng lungsod ang namatay dahil sa dengue.
Dahil dito, patuloy na nagkakasa ang lokal na pamahalaan ng health education activity patungkol sa dengue para maprotektahan ang bawat pamilya sa banta sakit na ito.
Samantala, mas mababa naman ang nasabing datos kumpara sa 6,111 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon (2025).
Matatandaang umabot sa 11,057 kaso ng dengue sa buong Quezon City ang naitala noong 2025 kung saan 48 residente ang namatay.










