Mahigit 500,000 pasahero, naitalang gumamit ng PITX bago ang Undas ayon sa pamunuan ng terminal

Sa loob pa lang ng tatlong araw, umabot na sa mahigit 500,000 ang pasahero na dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong paggunita ng Undas.

Sa datos ng PITX, 188,624 ang foot traffic sa terminal nitong Lunes habang 181,090 naman nitong Martes habang pumalo sa 188,624 ang bilang ng mga mananakay kahapon.

Inaasahan ng PITX ang pagtaas ng bilang ng mga biyahero hanggang sa bisperas ng Undas kung saan posibleng umabot sa mahigit 200,000 kada araw.

Samantala, wala pa namang nararanasan na mahabang pila ang ilang pasahero sa naturang terminal kung kaya agad silang nakapag-book at reserve para sa kanilang biyahe.

Mahigpit naman ang ipinatutupad na seguridad at inspeksyon sa terminal kung saan nasa 53 na mga ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska kabilang na ang itak, kutsilyo, guting, lighter, cutter at iba pa.

Facebook Comments