Mahigit 600 klase, suspendido pa rin dahil sa sama ng panahon

Bagama’t nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Paeng, nasa kabuuang 670 na mga klase pa rin ang nananatiling suspendido dahil sa masamang lagay ng panahon.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Partikular ang class suspensions sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, MIMAROPA, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CARAGA, BARMM, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region.


Samantala, iniulat din ng NDRRMC na nasa 230 tanggapan ng pamahalan ang nagsuspinde rin ng trabaho dahil pa rin sa sama ng panahon.

Kasunod nito, patuloy na pinag-iingat ng pamahalaan ang publiko, ugaliing maging updated sa lagay ng panahon at makinig sa abiso ng inyong lokal na pamahalaan upang makaiwas sa anumang aksidente.

Facebook Comments