Mahigit 7,000 bagong COVID cases sa bansa, naitala ng DOH ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang DOH ng 7,103 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 73,264.

Bunga nito, umaabot na ang kabuuang COVID-19 cases ng bansa sa 648,066.


390 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries ay umakyat na sa 561,902.

13 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa bansa ay 12,900.

Samantala, 7 pang Pilipino sa ibayong-dagat ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

17 naman ang bagong gumaling at isa ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 15,948 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa ibayong-dagat.

Sa nasabing bilang, 5,237 pa ang aktibong kaso.

9,666 naman ang kabuuang gumaling sa sakit habang 1,045 ang total deaths.

Facebook Comments