Mahigit 7,000 tonelada ng asupre, ibinuga ng Bulkang Kanlaon sa loob ng 24 oras

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa 7,019 toneladang sulfur dioxide na ibinuga ng Bulkang Kanlaon sa loob ng isang araw.

Halos dumoble ang bilang ng asupre na ibinuga nito kahapon na umabot naman sa 4,121 tonelada.

Naiulat din na nagkaroon ng dalawang volcanic earthquakes ang nasabing bulkan.


Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon at patuloy na pinag-iingat ang mga residente sa posibleng maganap na aktibidad ng bulkan.

Facebook Comments