Mahigit 8,000 COVID patients sa bansa, bagong gumaling sa virus

18

8,193 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

6,846 naman ang bagong kaso habang 90 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,108,826 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay muling bumaba sa 59,897.

Ang kabuuang recoveries naman ay 1,030,367.

Habang ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay 18,562.



Facebook Comments