MAHIGIT DALAWANG METRONG SAWA,HULI SA AKTO NG PAGSAKMAL SA ISANG MANOK SA MANGATAREM

Ginulantang ng isang sawa ang isang pamilya sa bayan ng Mangatarem matapos itong pumasok sa kanilang bakuran.
Bigla na lang kasi nag iiyak ang mga Manok ng isang mag anak sa Brgy. Tococ Barikir sa nasabing bayan pasado alas siyete ng gabi.
Paglabas ng mga ito ay dito na bumulaga sa kanila ang nasa mahigit dalawang metrong sawa na kasalukuyan ng sinasakmal ang isang manok na inahin.

Dali-dali naman itong pinagtulungan ng mga residente na huliin ang nasabing ahas subalit masyado itong agresibo dahilan upang napilitan silang patayin na lang ito sa halip na makapambiktima pa ng ibang mga hayop o mas malala pa ng mga tao. |ifmnews
Facebook Comments