Mahigit kalahating milyong halaga ng shabu na sam-sam ng mga owtorirad sa buy-bust operation sa Rizal

154

Timbog ang tatlong umano ay tulak ng droga sa Marikina City matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa mga ito.

Nakilala ang dalawang lalaking suspek na sina Andrew Bansuelo Llauderes, 29-anyos, at Vincent Baguyos Salmingo, 20-anyos, at parehong mga nakatira sa San Mateo Rizal.


Nahuli rin ang kasama nitong isang babe na si Jennifer Agustino Garais, 31-anyos at residente rin ng parehong lugar.

Narekober mula sa mga suspek ang 75 grams na shabu na may street value na P510,000.00.

Nangyari ang nasabing operasyon pasado alas-3:30 ng madaling araw kahapon sa Villa San Mateo 6, Guitnang Bayan, San Mateo Rizal.

Pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa Rizal PNP Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments