Mahigit pisong big time oil price hike, naka-ambang ipatupad bukas

104

Manila, Philippines – Naka-amba ngayon ang big time oil price hike.

Epektibo bukas, maglalaro sa piso at sampung sentimos (P1.10) hanggang piso at dalawampung sentimos (P1.20) ang inaasahang dagdag sa presyo ng diesel.

Pitumpu (P0.70) hanggang walumpung (P0.80) sentimos naman ang inaasahang pagtaas sa kada litro ng gasolina.


Tinatayang nasa siyamnapung sentimos (P0.90) naman ang posibleng maging umento sa kerosene.

Tulad ng inaasahan, ang nasabing malakihang umento sa presyo ng langis ay bunsod pa rin ng paggalaw sa presyo nito sa world market.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558



Facebook Comments