Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Manila City Govt. na umaabot sa mahigit 60 milyong piso ang halaga ng pagkukumuni at pagpapaganda sa Manila bilang paghahanda na rin sa nalalapit na ASEAN Summit.
Ayon kay Task Force Manila Cleanup Chief Che Borromeo umaabot sa animnaput milyong piso halaga ng pagpipintura sa mga nasirang plant boxes na nasa Center Island sa mga pangunahing lansangan sa Manila.
Paliwanag ni Borromeo hinahakot nila umano ang mga nagkaLt na basura at iba pang hindi magandang sa paningin ng mga delegado at head of states na dadaan sa Roxas Blvd. at mga pangunahing lansangan sa Manila.
Giit ng opisyal mula pa umano noong buwan ng Abril ay todo na ang kanilang paglilinis kung saan pinipinturahan na nila ang mga Center Island sa Roxas Blvd. , Quirino Avenue, Taft Avenue at TM Kalaw Ermita bilang paghahand sa ASEAN Summit.