Mahigit ₱11-M inisyal na tulong naipagkaloob sa mga kababayan nating naapektuhan ng lindol sa Mindanao

Nakapagbigay na ang pamahalaan ng inisyal na ₱11.6 milyon na tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental noong Biyernes.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga ipinagkaloob ay mga family food packs, family kit, food items at financial assistance.

Ang nasabing halaga ay maaari pang tumaas dahil nagpapatuloy pa ang pamahalaan sa assessment hinggil sa kabuuang pinsala ng lindol.


Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, umaabot na sa 2,489 pamilya o katumbas ng 12,885 mga indibidwal mula sa 43 barangay sa Region 11 at 12 ang naapektuhan ng lindol.

Facebook Comments