Mahigit 8.5 kilo ng shabu mula Nigeria ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC), Department of Agriculture (DA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa San Andres, Maynila.
Ang shabu na itinago sa puting plastic bowl ay nagkakahalaga ng P58.31 million.
Lumabas din sa pagsusuri ng Bureau of Plant Industry ng DA na wala itong kaukulang import permit.
Una nang nasabat ng Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang package na idineklarang pinatuyong spices o pampalasa.
Iniimbestigahan na rin ng PDEA ang mga nasa likod ng shabu shipment.
Facebook Comments