Malacañang, nagtalaga ng mga bagong opisyales sa DICT

54

Nagtalaga ang Malacañang ng apat na mga bagong opisyal sa Cybercrimes Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communication Technology o DICT.

Kinumpirma ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa press briefing.

Aniya, ang mga inappoint sa DICT ay sina, Alexander Ramos bilang Executive Sirector, Mary Rose Magsaysay bilang Deputy Executive Director habang itinalaga naman bilang director sina Patricia Abejo, Rojun Hosillos at Alvin Navarro.


Ang CICC ng DICT ay nakatutok sa cybercrime prevention at suppression, ito rin ang lead agency na nagmo-monitor ng mga cybercrime cases na pinamamahalaan ng mga law enforcement and prosecution agencies.

Facebook Comments