MAHUSAY NA PAGTATAGUYOD SA KALUSUGAN SA ALAMINOS CITY, KINILALA SA GINANAP NA GAWAD KALUSUGAN 2025

Muling kinilala ang Alaminos City Health Office (CHO) sa katatapos lamang na Gawad Kalusugan 2025 ng Department of Health -Center for Health Development 1.

Bunsod ng mga makabuluhan at puspusang pagkilos para tugunan ang kalusugan ng mga komunidad, kinilala ang tanggapan sa Good Practices in Health para sa programang Gawad Parangal sa Nutrisyon, habang ikalawang pwesto naman para sa Best Epidemiology & Surveillance Practices, 3rd Place sa Best TB Control Program Implementer (TB Case Detection Rate Category), at Best Integrated Clinic Information System Implementer.

Ang mga parangal na ito ay patunay umano ng patuloy na pagsusumikap ng CHO upang maihatid ang de-kalidad, episyente, at mas pinahusay na serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng kanilang nasasakupan.

Tiniyak ng ahensya na patuloy nitong isusulong ang layuning magkaroon ng isang malusog at ligtas na lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments