Kalibo, Aklan – Bumaba ng mahigit 80% ang major crime rates dito sa bayan ng Kalibo dahil sa implementasyon ng curfew at liquor ban sa kasagsagan ng community quarantine dahil sa CoVid-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni PMaj. Belshazzar Villanoche, hepe ng Kalibo PNP sa panayam ng RMN DYKR Kalibo.
Ayon sa kanya na malaki ang naitulong ng curfew sa pagbaba ng crime rates at yong implementasyon ng pag gamit ng quarantine pass dahil nalilimitahan ang paglabas ng mga tao.
Dagdag pa nya na maliban sa curfew at pag gamit ng quarantine pass ay nakatulong rin ang istriktong pagpatupad ng border checkpoint dahil hindi basta-basta nakakapasok ang mga taga ibang lugar dito.
Nagpaalala rin si Villanoche sa mga tao na mahigpit pa rin ngayon na ipinatutupad ang liquor ban kung saan kasama na dyan ang pagbenta at pag-inum.
Major crime rates sa bayan ng Kalibo bumaba ng mahigit 80% dahil sa implementasyon ng curfew at liquor ban
Facebook Comments