Makati at Pateros, nagkasundo na maaaring tumawid sa kanilang mga boundary sa kabila ng ECG

54

Nagkasundo ang Pamahalaang lungsod ng Makati at Munisipalidad ng Pateros na payagang makatawid sa boundary ng kanilang mga lugar ang kanilang mga residente sa kabila ng mahigpit na ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

Pero paglilinaw, may oras lamang ang pagpayag na makatawid sa boundary ng dalawang lugar.


Sinimulan kahapon na payagan ang mga nasa boundary ng Pateros na makatawid at makapamili sa Comembo Market mula alas sais hanggang alas dyes lamang ng umaga.

Ganun din sa mga nasa boundary ng Comembo na makatawid sa boundary ng Pateros para makapag-withdraw sa ilang bangko mula alas sais hanggang alas dyes din ng umaga.

Nitong mga nakalipas na araw ay nanawagan ang mga residente na naghahati sa boundary ng Comembo at Pateros para irekunsidera ang kanilang hiling upang hindi na lalayo pa para makapamili sa mismong bayan.

Facebook Comments