Makati Police, itinangging nag-apology sa Dacera Case

147

Mariing itinanggi ng Makati City Police ang lumabas na statement na humingi sila ng apology hinggil sa paghawak sa kaso ni Christine Dacera.

Ayon kay Makati Police Chief Police Colonel Harold Depositar, walang katotohanan ang ulat.


Hindi rin aniya totoong naghain siya ng leave of absence para mabigyang daan ang imbestigasyon.

Aniya, mananatili siyang hepe ng Makati Police.

Wala silang inilabas na apology at nais nilang makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Dacera.

Facebook Comments