
Inilunsad ngayong araw ang ‘PuroKalusugan’ program sa pangunguna ng pamahalaang lokal ng Malabon at Department of Health (DOH).
Ang “Purokalusugan Program” na layong magbigay ng serbisyong medikal sa 500 Malabueños na isinagawa sa St. Gregory Homes sa Barangay Panghulo at ARTEX Compound.
Ayon kay Jeannie Sandoval ang alkalde ng Lungsod ng Malabon, ang programa umanong ito ay inilunsad sa mga komunidad na sa tingin nila ay kinakailangan ng mas maagap na serbisyong pangkalusugan at atensiyon.
Layunin nito na mapanatiling ligtas ang ating mga kababayan mula sa ano mang sakit kasabay ng maulan na panahon.
Samantala, nagpasalamat din ito sa City Health Department (CHD) sa pangunguna pa rin ng Department of Health (DOH) sa inisyatiba na pangunahan ang nasabing programa.
Ilan sa mga serbisyo na alok ng DOH at LGU ay ang free health services, medical consultations, dental care, vital signs monitoring, x-ray services, free medicines, human papillomavirus (HPV) screening and vaccination, Human Immunodeficiency Virus (HIV) screening, PhilHealth Konsulta, family planning services, at dog anti-rabies vaccination.










