Malacañang, nalungkot sa pagkaka-reject ni Secretary Taguiwalo bilang kalihim ng DSWD

Manila, Philippines – Ikinalungkot ng Palasyo ng Malacañang ang pagkaka-reject ng Commission on Appointments kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.

Nakakuha kasi ng majority vote sa mga miyembro ng CA na tumatanggi sa appointment ni Taguiwalo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagsilbi si Taguiwalo ng mayroong pagmamahal sa trabaho, propesyonalismo at integridad, at nakalulungkot na hindi ito nakapasa sa makapangyarihang komite.


Habang nanunungkulan bilang kalihim ng DSWD ay malaki aniya ang naitulong nito sa buhay ng mga mahihirap na Pilipino.

Sa ngayon naman aniya ay naghahanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit kay Taguiwalo pero wala pa naman aniyang inilalagay na officer-in-charge sa DSWD.
Lumabas naman sa balita na ang itatalaga umano ni Pangulong Duterte si Nikki Prieto Teodoro pero wala itong kumpirmasyon mula sa Malacañang.

Facebook Comments